Negosyo Starter Kitnumero muna, bago gastos

Paano mag-costing ng produkto? Halimbawang computation

Isinulat ng Negosyo Starter Kit ·

Si Bea na nag-iisip habang hinahati ang isang malaking papel na milk tea cup sa mga piraso ng gastos, at si Piso na may hawak na piraso para sa renta at kuryente

Ang costing ay pagkuwenta kung magkano talaga ang gastos sa isang piraso, hindi lang ingredients. Sa halimbawa ni Bea, ₱28 ang ingredients at cup ng isang milk tea, pero may ₱20 pang hati sa renta, helper at kuryente. Kaya sa ₱69 na presyo, ₱21 lang ang kita bawat cup, hindi ₱41.

₱28Variable bawat cupingredients + cup, halimbawa
₱20Hati sa fixed bawat cup₱30,000 ÷ 1,500 cups
₱69Presyohalimbawa
₱21Kita bawat cupbago ang sahod mo at tax

Halimbawang numero mula sa Negosyo Starter Guide. Iba-iba ang presyo sa bawat lugar, kaya ilagay ang sarili mong numero.

Ano ang costing ng produkto?

Dalawang klase ang gastos. Ang variable ay gumagalaw ayon sa benta: ingredients, cup, packaging. Ang fixed ay babayaran mo kahit walang bumili: renta, sahod ng helper, kuryente at tubig.

Ang tamang costing ay variable bawat piraso, plus ang hati ng piraso sa fixed costs kada buwan. Kapag ingredients lang ang binilang mo, mukhang malaki ang tubo kahit hindi.

Paano kunin ang variable cost bawat piraso?

Hatiin ang presyo ng isang pack sa ilang piraso ang nagagawa nito. Halimbawa: ₱400 na powder ÷ 50 cups = ₱8 kada cup. Ganito ang buong variable ni Bea:

  • Tea + powder: ₱8
  • Gatas o creamer: ₱6
  • Asukal o syrup: ₱2
  • Pearls: ₱5
  • Cup, lid, straw, seal: ₱7
  • Kabuuan: ₱28 bawat cup

Paano hatiin ang fixed costs sa bawat piraso?

I-total ang fixed kada buwan, tapos hatiin sa tantiyang benta kada buwan. Sa halimbawa: renta ₱10,000, helper ₱15,000, kuryente at tubig ₱5,000, kaya ₱30,000.

₱30,000 ÷ 1,500 cups kada buwan = ₱20 bawat cup. Ito ang madalas makalimutan ng nagsisimula.

Magkano ang totoong kita bawat piraso?

Presyo bawas variable bawas hati sa fixed. Sa halimbawa ni Bea:

  • Presyo: ₱69
  • Bawas ingredients at cup: −₱28
  • Bawas hati sa fixed: −₱20
  • Kita bawat cup: ₱21, bago ang sahod mo at tax
  • Sa 1,500 cups: ₱21 × 1,500 = ₱31,500 kada buwan

Bakit nagbabago ang costing kapag humina ang benta?

Nakadepende sa benta ang hati sa fixed. Kapag 1,000 cups lang ang naibenta, ₱30 na ang hati bawat cup, at ₱11 na lang ang kita.

Ganoon din kapag tumaas ang fixed. Tantiya lang ang ₱15,000 sa helper; mas malaki ang totoong gastos sa full-time na empleyado, kaya i-update ang costing bago mag-hire.

Ano ang madalas makalimutan sa costing?

Maliit kada piraso, malaki kada buwan. Isama ang mga ito sa variable o sa fixed:

  • Sirang cups at natapong pearls
  • Libreng tikim
  • Sabon at tissue
  • Delivery fee ng supplier
  • GCash o card fees

Mga karaniwang pagkakamali

  • Ingredients lang ang binibilang, walang hati sa renta, sahod at kuryente
  • Masyadong mataas ang tantiyang benta, kaya maliit ang lumalabas na hati sa fixed
  • Hindi ina-update ang costing kapag tumaas ang presyo ng supplier
  • Sinasama ang sariling sahod sa kita, hindi sa gastos

Mga tanong

Ano ang formula ng costing bawat piraso?

Variable cost bawat piraso + (fixed costs kada buwan ÷ tantiyang benta kada buwan). Sa halimbawa: ₱28 + (₱30,000 ÷ 1,500) = ₱48.

Kasama ba ang sahod ko sa costing?

Sa halimbawang ito, hindi pa. Ang ₱21 na kita bawat cup ay bago ang sahod ng may-ari at tax, kaya dito pa kukunin ang sarili mong sahod.

Paano kung marami akong produkto?

I-cost ang bawat isa nang hiwalay. Sa Costing tab ng toolkit, hanggang 10 produkto, may LUGI, MANIPIS o OK na babala.

Ano ang susunod pagkatapos ng costing?

Ang presyo. Mula sa ₱48 na puhunan, ₱80 ang presyo sa 40% na margin. Basahin ang gabay sa markup vs margin.

Basahin din

Cover ng Negosyo Starter Guide
Gusto mo ng buong plano?

Negosyo Starter Guide

Nasa Negosyo Starter Guide ang buong costing worksheet ni Bea, at ang Costing tab sa toolkit na nagkukuwenta ng kita ng hanggang 10 produkto.

49 pahina + 10-tool toolkit + 3 bonus · ₱899

Pinagkunan

  • Negosyo Starter Guide, Kabanata 3 (Costing): halimbawang numero ni Bea
Libreng checklist + 1 tip kada linggo

Ipadala sa email mo ang Registration Checklist at isang maikling tip kada linggo. Libre, puwedeng mag-unsubscribe anumang oras.

O i-download na lang ngayon, walang sign-up.

Edukasyonal ang gabay na ito, hindi legal, tax o accounting advice. I-verify ang permits at rates sa LGU at sa tamang ahensya.

Malapit na

Hindi pa bukas ang checkout. Kapag live na, magbabayad ka gamit ang QR Ph (GCash, Maya o bank app) at ipapadala agad sa email mo ang files.

Habang hinihintay, subukan ang libreng calculator at checklist. Tanong? support@negosyostarterkit.com