Negosyo Starter Kitnumero muna, bago gastos

DRAFT para sa review ng may-ari at ng abogado. Hindi pa final at hindi pa naka-publish.

Privacy

Anong data ang kinukuha

Pangalan at email para maipadala ang binili mo. Kung mag-sign up sa email list, ang email mo at kung aling page ka nag-sign up. Kung sasagutin mo ang tanong pagkatapos bumili, ang sagot mo; ilalagay lang namin sa website kung pumayag ka. Ang bayad ay hinahawakan ng PayMongo; hindi namin nakikita ang card o wallet details mo.

Ang mga calculator

Tumatakbo sa browser mo lang. Walang ipinapadala o sine-save na numero.

Bilang ng bisita

Gumagamit kami ng Cloudflare Web Analytics para mabilang ang bisita at makita kung aling page ang binubuksan. Walang cookies, at hindi ka nito kinikilala bilang tao.

Gamit at tagal

Para sa delivery, resibo at, kung pumayag ka, isang maikling tip kada linggo at balita tungkol sa bagong guide. May unsubscribe link sa bawat email. Kapag pumasok ka sa site gamit ang link sa bio namin (Facebook, Instagram o TikTok), naaalala ng site kung saang app ka galing sa loob ng 30 araw para malaman namin kung aling app ang nakakatulong. Hindi ka nito kinikilala bilang tao.

Karapatan mo

Sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), puwede kang humingi ng kopya, pagtama o pagbura ng data mo. Mag-email sa support@negosyostarterkit.com.

Malapit na

Hindi pa bukas ang checkout. Kapag live na, magbabayad ka gamit ang QR Ph (GCash, Maya o bank app) at ipapadala agad sa email mo ang files.

Habang hinihintay, subukan ang libreng calculator at checklist. Tanong? support@negosyostarterkit.com